17 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

NADAGDAGAN pa ng 17 ang bilang ng mga biktimang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 29, habang umabot na sa 4,272 ang active cases, ayon sa ulat ng City Health Offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, pito ang patay sa Valenzuela City hanggang alas-10:00 ng gabi noong Marso 29 habang 846 ang active cases makaraang 258 ang magpositibo at 259 ang naman ang gumaling.

Sumampa na sa 12,571 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 11,404 na ang gumaling at 321 ang namatay.

Apat naman ang patay sa Navotas hanggang alas-6:00 ng gabi noong Marso 28 habang 1,299 ang active cases matapos na 167 ang magpositibo at 109 lamang ang naitalang gumaling.

Umakyat na sa 8,179 ang nagpositibo sa coronavirus sa fishing capital, at sa bilang na ito ay 6,643 na ang gumaling habang 237 na ang namatay.

Nadagdagan naman ng apat ang pandemic fatalities ng Malabon City noong Marso 29 at 318 na ang COVID death toll ng siyudad, habang 141 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 9,213 na ang positive cases, sa bilang na ito ay 1,075 ang active cases.

Habang 123 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 7,820 ang recovered patients ng siyudad.

Dalawa naman ang patay sa Caloocan City noong Marso 29 habang 1,052 ang active cases.

Umabot na sa 17,504 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 15,912 na ang gumaling at 540 ang binawian ng buhay. (ALAIN AJERO)

127

Related posts

Leave a Comment