18 PULIS SANGKOT SA KASO NG SABUNGEROS – NAPOLCOM

NILINAW ni Napolcom Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, na hindi lang 12 kundi 18 ang mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.

Matatandaan na nagsampa ng reklamo ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy” sa central office ng Napolcom laban sa mga sangkot na pulis.

Ayon kay Calinisan, ang complaint affidavit na isinampa ni Patidongan ay hindi 12 kundi 18 pangalan ng mga pulis kung saan ang 5 ay na-dismiss na sa serbisyo.

Naunang ibinunyag ni Patidongan ang 10 pulis na sangkot sa pagdukot at umano’y pagpatay sa mga sabungero habang isang retiradong heneral ang isinama sa grupo ng sindikato na tinatawag na alpha group.

Hindi naman sinabi ni Calinisan ang pangalan ng walong iba pang pulis at sa ngayon ay patuloy ang evaluation sa complaint affidavit ni Patidongan.

Reresolbahin ng ahensya ang kaso sa loob ng 60-araw.

(TOTO NABAJA)

62

Related posts

Leave a Comment