19-ANYOS NA 4TH MOST WANTED TIMBOG SA MAKATI

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 19-anyos na food delivery rider na no. 4 most wanted person dahil sa ilegal na droga, sa kanilang bahay sa Makati City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na inaresto sa bisa ng warrant of arrest, na si John Humprie Bongat y Esguerra.

Batay sa ulat ni P/Lt. Arniel Buraga na isinumite kay P/Lt. Col. Dennis Rodriguez, commander ng Manila Police District-Station 10, bandang alas-3:50 ng hapon nang madakip ang suspek sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rolando Mojica Santoyo, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 179, Manila dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek. (RENE CRISOSTOMO)

166

Related posts

Leave a Comment