19-ANYOS NA RIDER PATAY NANG MAHULOG SA TULAY SA MARINDUQUE

Patay ang isang 19-anyos na rider matapos mahulog sa ilog ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Matandang Gasan, bayan ng Gasan, Marinduque nitong Martes ng madaling araw, Pebrero 24.

Ang biktima ay residente ng Brgy. Sihi, Buenavista.

Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng biktima ang ginagawang diversion road nang dumiretso ito sa putol na bahagi ng kalsada malapit sa ginagawang tulay at nahulog sa ilog.

Kinaumagahan na natagpuan ang wala nang buhay na biktima.

Inaalam ng mga awtoridad kung may pananagutan ang contractor ng tulay sa insidente. Ayon sa ulat, may nakalagay umanong signage sa lugar ngunit posibleng hindi ito napansin ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

1

Related posts

Leave a Comment