2 BABAENG ISIS SUPPORTERS ARESTADO

isis

(NI JESSE KABEL)

DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police  (PNP)  ang dalawang hinihinalang supporters ng Islamic States of Iraq and Syria sa isinagawang operation sa  General Santos City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga inaresto na sina Bai Nor Aizis Buday at Joyce Ann Fornal,  na gumagamit ng mga alyas na Fahima Az-zarah, Jamillah Fornal, Knickerbucker, Umm Omar, Sunset, at Jamillah.

Ayon sa Police Regional Office-12, nadakip ang dalawa nang salakayin ang isang bahay sa Johnny Ang Subdivision sa Barangay Lagao na tinuturong pinagkakanlungan ng mga hinihinalang kasapi ng teroristang grupo.

Nasamsam sa pagsalakay ang ilang pampasabog at gamit sa paggawa ng bomba bukod pa sa dalawang rifle grenades at dalawang bandila ng ISIS group.

Lumilitaw sa background check ng pulis at military na  ang dalawa ay may kaugnayan kay Esmael Abdulmalik, alyas Abu Turaife, ang lider ng Dawlah Islamiyah Turaife Group na nasa likod ng serye ng pambobomba sa Sultan Kudarat, noong nakaraang taon.

Nahaharap na ang dalawa sa kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives.

Habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pa nilang kontak at mga kasamahan ng dalawa.

 

172

Related posts

Leave a Comment