LAGUNA – Dalawang bangkay ang magkahiwalay na itinapon sa madamong bahagi sa lungsod ng San Pedro at Cabuyao sa lalawigang ito, nitong Biyernes.
Ayon sa ulat na ipinadala kay Calabarzon Regional Director P/Brig. Gen. Felipe Natividad, naaagnas na ang katawan ng biktima nang matagpuan ng concerned citizen bandang alas-5:45 ng hapon sa madamong bahagi ng Magsaysay Road, Brgy. San Antonio, San Pedro City.
Habang ang isang bangkay na lalaki namang itinapon sa Brgy. Pittland, Cabuyao City nitong alas-5:30 ng madaling araw ay nakitang may tama ng bala ng baril sa katawan at nakatali ng plastic straw ang mga kamay.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang nasasagawa ng masusing imbetigasyon sa nasabing insidente. (CYRILL QUILO)
191
