2 BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa dalawang bangkay ng lalaki na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi.

Sa unang insidente, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaking nakasuot ng itim na sando, blue na short at itim na sapatos sa Molino Paliparan Road, sakop ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Wala namang nabanggit sa ulat kung may nakitang sugat sa katawan ng bangkay.

Sa ikalawang insidente, isa ring bangkay ng lalaki na nakasuot ng navy blue na short at itim na t-shirt ang natagpuan sa isang tubuhan sa Sitio Kubuhan, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City bandang alas-7:00 ng gabi.

Wala ring nabanggit sa ulat kung may nakitang sugat o tama ng bala sa katawan ng biktima

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa lugar para makakauha ng iba pang impormasyon hinggil sa insidente.

(SIGFRED ADUARA)

38

Related posts

Leave a Comment