LAGUNA – Arestado ang isang babaeng high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at Calamba City Police Station noong Huwebes ng hapon sa Bucal Bypass Road, Brgy. Bucal, Calamba City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Irene”, 42, residente ng Barangay Pansol, Calamba.
Ayon sa ulat ng PDEA Regional Office 4A, bandang alas-5 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation at nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 550 gramo ng hinihinalang shabu na P3,740,000 ang halaga.
Nasa kustodiya na ng PDEA 4A sa regional headquarters sa Sta. Rosa, Laguna ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
