2 BANSA UNAHAN KAY EMBIID

NI VT ROMANO

ANO ang pipiliin ni Joel Embiid? France o USA?

Ito ay kasunod ng balitang ilang miyembro ng French national team Les Bleus ang nanliligaw ngayon sa 76ers star player, para sa World Cup (2023) at Paris Olympics (2024).

Dual citizenship ang istatus ni Embiid, French at US na ipinagkaloob sa kanya nitong nakaraang buwan.

Maaaring mamili si Embiid kung anong bansa ang kakatawanin sa international competitions, bagay na hindi pa niya nagagawa sa buong career.

Ang World Cup, nakatakda sa 2023 sa Pilipinas at Olympic Games na iho-host ng Paris sa 2024, kung saan sinasabing malaki ang magagawa ni Embiid sa koponan kung pipiliin niyang lumaro para sa France.

Ayon sa ulat, ‘multiple’ players at maging si general manager Boris Diaw ay nag-reach out na kay Embiid.

“I know he met some of our ­players to discuss,” pahayag ni France Coach Vincent Collet nitong nakaraang linggo via The ­Associated Press. “I think he should play with us. But we will see. We will respect his decision whatever it is.”

Kung pipiliin ni Embiid lumaro para sa France, walang dudang malaki ang tsansa ng koponan sa gold medal sa Paris Games.

Ang koponan, silver medalist sa Tokyo Olympics, ay maaari ring katawanin nina Rudy Gobert, Evan Fournier at Nicholas Batum, gayundin si French teenager Victor Wembanyama.

Si Embiid, reigning league scoring champion, ay may ave­rage career-high 30.6 points at 11.7 rebounds sa nakaraang season sa Philadelphia at papasok na sa kanyang ninth season sa NBA.

BUCKS KAWAWA
SA HAWKS

PITONG three-pointers ang ­kinamada ni Trae Young para ­akayin ang Atlanta Hawks sa ikalawang panalo sa loob ng tatlong araw, kontra Milwaukee Bucks, 118-109, Sabado (Linggo sa Manila).

Umiskor si Young ng 31 points sa pre-season game sa Abu Dhabi, UAE.

Nadismaya naman ang fans sa hindi pagsalang ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo, matapos ang aniya’y pangangalawang niya sa laro noong Huwebes.

Wala rin si Dejounte Murray, bagong recruit ng Hawks at top-scorer sa Atlanta sa kanyang team debut sa Game 1.

Nagpakitang-gilas si Young sa second quarter via seven 3s para ilagay ang Atlanta sa 63-55 halftime lead.

Bago matapos ang fourth, sumigaw ang crowd ng “we want Gian­nis” ngunit hindi pinagbigyan ng ‘Greek Freak’.

“It’s one of the hardest parts about these special trips, ­coming to Abu Dhabi, and how badly ­everybody wants to see, not just Giannis, see all these players, there’s so many great players on both teams but obviously Giannis is special,” lahad ni Bucks head coach Mike Budenholzer.

“But the other night he played, I thought he put on an amazing performance. He’s played a lot this summer with the Greek national team and played internationally all over the world and he carries a big load. So, it’s our job to sometimes be the bad guys and we have to try and keep him healthy and in a good place for a long, long season,” dagdag ng coach.

CELTICS ‘DI
MAKA-MOVE ON

HINDI pa rin matanggap ng Boston Celtics ang resulta ng 2022 NBA Finals at nananatiling nakaukit sa kanilang isipan ang bangungot, hangga’t hindi nila naiuuwi ang Banner 18.

Gaya na lamang ni Marcus Smart, na nakaukit na ang larawan ng Golden State Warriors habang itinataas ang Larry O’Brien trophy sa kabuuan ng 2022-23 campaign.

Sa exclusive 1-on-1 interview sa NBC Sports, isiniwalat ng ­Celtics guard ang para sa kanya’y hindi malilimutang pangyayari.

“Never,” sagot ni Smart sa tanong kung kalilimutan na ba niya ang 2022 Finals. “I don’t think I’ll move past it. I’ve understood it, you know what I’m saying? Accepted it. I really have no choice.

Those types of moments will never be forgotten. I’m still thinking about it today. I still have nightmares.”

Sa pagpasok ng bagong season, paborito ang Boston para sa 2023 NBA championship. Ngunit bago pa man magsimula ang season, kailangang malampasan ng Celtics ang mga pagsubok– torn ACL ni offseason addition Danilo Gallinari, knee surgery ni big man Robert Williams, at ­pagkakasuspinde ni head coach Ime Udoka at pagtalaga bilang kapalit kay Assistant Joe Mazzulla.

Gayunpaman, buo pa rin ang core ng team: Jayson Tatum, Jaylen Brown, Al Horford, Smart at bagong saltang si Malcolm Brogdon.

Sisimulan ng Celtics ang ­kampanya para sa Banner 18 ­kontra Philadelphia 76ers sa Oktub­re 18.

250

Related posts

Leave a Comment