2 BATAY PATAY SA CHOLERA SA TANZA

CAVITE – Tatlong barangay ang tinamaan cholera na ikinamatay ng dalawang bata noong Linggo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang dalawang bata makaraang isugod sa ospital dahil sa pagsusuka at pagtatae.

Habang isang mangingisda at asawa ang nasa malubha namang kalagayan.

Ayon sa Rural Health Unit ng Tanza, ang nasabing sakit ay naitala sa Barangay Punta Uno, Sahud-ulan at Calibuyo.

Nakumpirma ito makaraang lumabas ang resulta ng pagsusuri sa specimen ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM)

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng nasabing sakit habang maigting na pinag-iingat ang mga residente. (CYRILL QUILO)

 

295

Related posts

Leave a Comment