2 BIGATING BREEDERS NAGHARI SA 1ST LEG NG 6-STAG DERBY SA SANTA ROSA, LAGUNA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NAGHARI ang dalawang ­bigating breeders sa Sta. Rosa Cockers Alliance (SRCA) 6-Stag Derby Circuit (1st Leg Team A).

Nilarga ang bakbakan sa Riper Sports Sta. Rosa Mega Cockpit sa Santa Rosa City, Laguna noong Huwebes.

Perpektong anim na puntos ang naitala ng entries na Palaban Ara28 Solid 1922 Sept. 6, 6-Stag Derby 2 at Kid Liam 777 Garrotte na naging sanhi upang sungkitin ang korona sa isang araw na derby.

Aba’y dinumog ng mga tao ang pa-derby na iyon ng SRCA.

May pot money ito na 33,000 habang P11,000 ang minimum bet kung saan ang mga nagpupugan ay banded ng early, local at national.

Kung hindi ako nagkakamali, pag-aari ni Mayor Allan Arandia ang Palaban Ara28 Solid 1922 Sept. 6, 6-Stag Derby 2 entry habang fighter naman nina Tina Sol at Darwin Torres ang Kid Liam 777 Garrotte.

Kasama sa mga sinibak ng alaga ni Arandia ay ang Franco Mateo, MJSD/EA, Mang boy/Engineerian, Double fyt:King Arthur-2 Sept. 9 6-STAG SMC at Tabuk Sept.23 6-Stag SMC.

Talagang maganda ang pagkaka-organisa ng derby ng SRCA.

Bukod dito, walang mapagsidlan ang kasiyahan ng mga sumali dahil malinis at maaliwalas ang loob ng state-of-the-art Riper Sports mega cockpit na pag-aari ni Boss Richard Perez.

Ang SRCA ay bagong tatag lamang sa pangunguna nina Boss Dave Lao at Boy Royo.

Nagsisilbi ring adviser o chairman ng organisasyon si Boss ­Richard.

Nakatakda namang ilarga ngayong araw, Hulyo 18, ng SRCA ang Set B ng 6-Stag Circuit Derby.

Sa Hulyo 28 gaganapin ang Set C at sa Hulyo 30 naman ang Set D na inaabangan ng mga aficionados o sabungeros.

Kaya, mga ka-Sabong, aba’y sugod na po sa Riper Sports sa mga nasabing petsa!

297

Related posts

Leave a Comment