2 BOYONG CRIME GROUP MEMBERS, TIMBOG SA CIDG

DALAWANG hinihinalang miyembro ng Boyong criminal group na sangkot sa gunrunning at robbery in band activities ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR Regional Director, Col. Randy Glenn Silvio sa kanilang inilunsad na PNP-CIDG Oplan Paglalansag Omega noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Col. Silvio, isang confidential informant ang nagbulgar sa mga ilegal na aktibidad ng dalawang nadakip na may kaugnayan sa bentahan ng baril, pagnanakaw at ilegal na droga  kaya naglatag sila ng gun buy-bust operation laban sa isang alyas
“Robin” na miyembro ng Boyong grime group, sa kahabaan ng Service Road, Roxas Boulevard,  Barangay 76, Pasay City.

Ayon sa ulat na isinumite sa punong himpilan ng PNP-CIDG, kinilala ang mga nadakip na sina Robin Niones Pispisano, 32, binata, jobless at naninirahan sa Signal Village, Taguig City, at Jennifer Soperit Abaya, 29, jobless at residente ng Barangay Katuparan, Taguig City.

Nasamsam sa nasabing Oplan Salikup at Oplan Paglalansag Omega ang isang  unit ng .38 revolver (subject of buy-bust) na may anim na live bullets, isang pirasong five hundred peso bill dusted money na may serial number na CV252128, at ang ginamit na boodle money.

Bandang alas-7:30 ng gabi noong Sabado nang isinagawa ng CIDG-SMMDFU (lead unit) kasama ang DMFB SPD, ang gun buy-bust operation dahil sa paglabag sa RA 10591 na nagresulta sa pagkaka-aresto sa dalawang suspek.

“The arrested suspects are members of Boyong Criminal Gang under IR no. NCRCIDU SMM-22-08-001  who were known to be engaged in Gun running activities, robbery hold-up and drug trade operating in Southern  Part of Metro Manila,”
ani Col. Silvio.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-NCR Regional field unit ang mga suspek para sa documentation and disposition. (JESSE KABEL)

215

Related posts

Leave a Comment