2 BRGY SA QC NASA ASF QUARANTINE- DA

ASF1

(NI ABBY MENDOZA)

DALAWANG barangay na kumpirmadong may kaso ng African Swine Flu(ASF) ang inilagay na ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine.

Ang dalawang Barangay ay ang Payatas  at Bagong Silang.

Ang paglalagay sa quarantine sa nasabing barangay ay kasunod na rin ng naging resulta ng laboratory test ng DA at Bureau of Animal Industry(BAI) na walong blood samples na nakuha sa namatay na baboy sa lugar ay positibo sa ASF.

Bukod sa dalawang barangay sa QC , ang mga  barangay na may kaso pa ng ASF ay Barangay San Isidro, San Jose, Macabud, Geronimo, San Rafael at  Mascap sa Rodriguez, Rizal; San Mateo Slaughterhouse, Rizal; Barangay Cupang, Antipolo City; Barangay Pritil, Guiguinto, Bulacan;

Muling binigyang kasiguruhan ni Dar na nanatiling ligtas kainin ang baboy at isolated cases lamang ang ASF sa bansa.

Bago umano katayin ang isang baboy sa slaugtherhouse ay sinusuri ito ng beterinaryo ay binibigyan ng clearance na walang sakit at ligtas katayin saka tatatakan ng National Meat Inspection Service na nanganaghulugan na ligtas itong ibenta.

Samantala, sinabi ni Dar na misleading ang lumabas na report na maraming kaso ng ASF sa Pilipinas.

Ayon kay Dar sa 12.7 milyon baboy sa bansa ay anim sa 10,000 ang kaso ng ASF .

 

174

Related posts

Leave a Comment