DALAWANG hinihinalang kadre ng komunistang New People’s Army ang napatay sa sagupaan nitong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Jiabong, sa lalawigan ng Samar.
Ayon sa Samar Police Provincial Office, nagresponde ang mga sundalo at pulis hinggil sa natanggap na sumbong kaugnay sa anim na armadong kalalakihan na namataan sa Barangay Alejandria bandang alas-2:00 ng madaling araw.
Agad na tinungo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at PNP ang area subalit agad silang sinalubong ng sunod-sunod na putok ng ng baril mga armado kaya gumanti ang mga ito.
Napatay sa engkwentro ang dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army habang patuloy na tinutugis ang tumakas nilang kasamahan.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay upang mapagkalooban ng disenteng libing. (JESSE KABEL)
133 