2 HIGH-RANKING CTG LEADERS NAPATAY NG AFP EASTMINCOM

DALAWANG high ranking Communist New People’s Army leaders ang napaslang ng mga tauhan ng Philippine Army Eastern Mindanao Command sa Agusan del Sur.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. General Roy Galido, nasabat ng mga tauhan ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn), na nasa ilalim ng operational control ng 401st Infantry Brigade, 4th Infantry Division (4ID) ng EastMinCom, ang isang grupo ng armadong kalalakihan na nagresulta sa ilang minutong sagupaan.

Una rito, nakatanggap ng intelligence information ang 3SFBn mula sa lokal na mga residente hinggil sa presensya ng armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga kasapi ng communist terrorist group.

Agad naglatag ng kanilang tactical plan ang mga sundalo at mabilis na nagresponde sa sinasabing area na nauwi sa engkwentro na ikinamatay ng dalawang NPA.

Kinilala ni EastMinCom commander, Lt. Gen. Luis Rex D. Bergante, PA, ang napaslang ng kanyang mga tauhan na sina Larry Garcia, alyas “Joven”, Commanding Officer Regional Sentro De Grabidad (RSDG), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), at kanyang Vice Commanding Officer, alyas “Gaga/Garing”.

Sa isinagawang pursuit operation ng tropa ng pamahalaan laban sa mga tumatakas na NPA, nakakuha sila ng dalawang backpacks, Baofeng commercial radio, medical supplies, at subversive documents.

Dahil dito ay pinapurihan ni Lt. Gen. Luis Rex D. Bergante PA, ang tropa sa kanilang dedikasyon sa sinumpaang tungkulin na sugpuin ang CTG atrocities sa Caraga Region.

“Your commitment to the mission to eliminate CTG atrocities in our Joint Operational Area, particularly in the Caraga Region, deserves applause. Your efforts have significantly weakened the CTG’s influence, paving the way for lasting peace and development in our communities. Once again,

I would like to reiterate our call on the remaining CTG members to lay down their arms, abandon the armed struggle, and choose a peaceful life with their families. The government remains steadfast in its efforts to support those who wish to reintegrate into society, ensuring a better future for all. Peace is always the best path forward,” dagdag pa ni Lt. Gen. Bergante. (JESSE KABEL RUIZ)

26

Related posts

Leave a Comment