2 HVIs, 3 PA HULI SA BUY-BUST

CAVITE – Dalawang itinuturing na high value individual (HVIs) at tatlong street level individual (SVIs) ang dinakma ng Cavite Police makaraang makumpiskahan ng mahigit P300,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Abdul Majeed Rascal y Dicampong, Anthony Rafanan y Gacayan,  kapwa HVI;  Yusoff Diamla y Amatonding, Renato Lazaro y Lee, at Jennylein Quinonas y Lazaro, pawang  SLI.

Nabatid sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang magkasamang puwersa ng mga operatiba ng PDEU Cavite PPO at SDEU Dasmariñas City sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang hinihinalang tulak.

Nakumpiska sa mga suspek ang 45 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P310,500, at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

114

Related posts

Leave a Comment