2 INARESTO HABANG KUMUKUHA NG POLICE CLEARANCE

CAVITE – Imbes na police clearance, warrant of arrest ang natanggap ng dalawang lalaki matapos nabuking na may nakabinbin silang kaso sa magkahiwalay na insidente sa Silang at Lungsod ng Dasmariñas sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Nangangailangan ng halagang P60,000 piyansa si alyas “Calabon” ng Silang, Cavite habang halagang P24,000 piyansa naman ang kinakailangan ni alyas “John”, ng Dasmariñas City para sa kanilang pansamantalang paglaya matapos silang arestuhin.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang mag-apply ng police clearance si Calabon sa Silang Municipal Police Station sa Poblacion 2, Silang, Cavite habang alas-3:30 ng hapon habang nag-apply naman ng Police Clearance si John sa Dasmariñas Component City Police Station.

Subalit naberipika ng National Police Clearance System (NPCS) na may nakabinbin na warrant of arrest si Calabon sa kasong paglabag sa Section 16 Article 3 ng RA 6425, na inisyu ni Honorable Teodoro Tapia Riel, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 7, Batangas City; habang may kasong paglabag sa Sec. 5 (a), RA 9262 sa sala ni Honorable Francisco Victor L. Collado Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 90, Dasmariñas City, si John.

(SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment