2 KOREAN ILLEGAL WORKERS, HULI SA CEBU

CEBU – Nadakip ng Intelligence agents ng Bureau of Immigration (BI) noong Lunes ng hapon ang dalawang Koreano na nagtatrabaho sa Pilipinas nang walang working visa.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga arestado na sina Kang Jiwon, 41, at Han Sungmin, 45-anyos.

Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng BI ID Regional Intelligence Unit-7 sa isang posh resort sa Barangay Agus Road, Lapu-lapu City.

Ayon kay Manahan, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente, kasunod ng mga reklamo na natanggap mula sa private individuals laban sa dalawang dayuhan.

Ang dalawa ay nagtatrabaho sa bansa nang walang valid working visa o permit at overstaying na sa bansa.

“Both were also unable to present their documentation,” ani Manahan.

“They have been submitted for inquest and filing of charges for violating the Philippine Immigration Act of 1940,” dagdag niya.

Ang dalawa ay pansamantalang inilagay sa BI Cebu Detention Facility para sa temporary custody habang hinihinatay ang paglilitis sa kaso at deportasyon sa mga ito. (JOEL O. AMONGO)

101

Related posts

Leave a Comment