BATANGAS – Arestado ang dalawang most wanted persons regional level sa isinagawang manhunt operation ng pulisya noong Martes sa mga bayan ng Calaca at San Jose sa lalawigang ito.
Ayon sa Calaca Municipal Police Station, huli ang rank no.8 na si Ricardo De La Torre Sr.Β alyas “Carding”, 60,Β residente ng Brgy. Pantay, Calaca, Batangas, sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Calaca MPS, at personnel ng RMFB4A, dakong alas-3:10 ng hapon sa Sitio Cawong, Brgy. Pantay, Calaca.
Si De La Torre ay may kasong rape (RPC Art. 266-A and Article 266-B as Amended by RA 8353 in Relation to Article III, Sec. 5 (B) of RA 7610) at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 10, Balayan, Batangas noong Mayo 30, 2022.
Ang nasabing kaso ay nangyari noong Enero 1, 2019, Pebrero 25, 2019 at Pebrero 28, 2019 sa Barangay Pantay Calaca, Batangas kung saanΒ Β ginahasa umano nito ang isang kaanak na batang babae.
Sa parehong araw, nadakma rin ang 21-anyos na binatang si Rex Harold Robles, isang helper, at residente ng Brgy. Balagtasin 2nd, San Jose, Batangas sa kasong rape.
Inaresto ito bandang alas-4:00 ng hapon sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 4, Batangas CityΒ noong Abril 22, 2022.
Ayon sa pulisya,Β nangyari ang panghahalay noong Pebrero 2021 sa Barangay Pinagtung-ulan San Jose, Batangas.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kaso laban sa dalawang suspek na ngayon ay kapwa nasa kustodiya ng nasabing mga istasyon ng pulisya. (NILOU DEL CARMEN)
201 