2 ‘MUKHANG TSISMOSA’ TINAGA

NAVOTAS City – Kalaboso ang isang 57-anyos na lalaki matapos undayan ng taga ang isang mag-amigang biyuda at matandang dalaga na inakalang siya ay pinagtsitsismisan sa Navotas City.

Swak sa hoyo ang suspek na si Vicente Rose Jr., may asawa, istibador, ng Block 26, Lot 20, Phase 1-A, Kaunlaran Village, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS)-Kaunlaran, Navotas City.

Ayon sa sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi noong Lunes sa Block 26, Lot 18, Phase 1-A, Banak St., Brgy. NBBS-Kaunlaran, Navotas City.

Napag-alaman, nakaupo sa tapat ng kanilang bahay sina Evangeline Tripoli, 48, biyuda, ng Block 26, Lot 18, Phase 1-A, Banak St., Brgy. NBBS-Kaunlaran, Navotas City, at Monina Laron, 45, dalaga, tindera, ng parehong adress.

Bigla umanong sumulpot ang suspek at pinagtataga ang mag-amiga sa pag-aakalang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

Mapalad na hindi tinamaan ang dalawa at matapos makipagbuno ay naagaw ni Laron ang 21-pulgadang itak ng suspek.

Mabilis namang tumawag ng mga tanod si Tripoli na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (ALAIN AJERO)

 

408

Related posts

Leave a Comment