CAVITE – Nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, isa rito ay namatay noong Linggo habang naka-confine sa isang pribadong ospital.
Sa Facebook account nina Congressman Pidi Barzaga at City Mayor Jenny Barzaga, umabot na sa 49 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, kung saan ang pinakabago ay isang 25-anyos na call center na lalaki at 54-anyos na babae ang nadagdag sa bilang.
Si patient 48 ay isang call center agent sa Makati City na roon din nangungupahan. Nahawa ito kay Patient 46 na isa ring call center agent na kasama niya sa kanyang inuupahang kuwarto at kapwa taga lungsod ng Dasmarinas.
Si Patient 49 ay 53-anyos na babaeng diabetic at hypertensive ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital noong Mayo 24.
Sa kabuuan, umakyat na sa anim ang namatay sa lungsod ng Dasmarinas sanhi ng COVID-19. (SIGFRED ADSUARA)
159
