2 NPA NA MANGINGIKIL SA MGA POLITIKO, PATAY SA SAGUPAAN

MASBATE – Dalawang hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro nang makasagupa nila ang nagrespondeng militar sa Barangay Libertad, sa bayan ng Cawayan noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025.

Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nasa 12 rebelde ang kanilang nakasagupa na tumagal ng ilang minuto, na ikinasugat din ng isang sundalo.

Isa pang rebelde ang naaresto at umaming may balak silang mangikil sa mga lokal na kandidato.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang baril, tatlong anti-personnel mines, at mga dokumento ng grupo.

(JESSE KABEL RUIZ)

19

Related posts

Leave a Comment