STEEL MAGNATE NA SI ANSON QUE AT DRIVER PINATAY SA SAKAL NG NYLON CORD

PINATAY sa sakal gamit ang nylon cord, ito ang lumalabas sa autopsy report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) na sanhi ng ikinamatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.

Sa isinagawang press briefing kahapon ng hapon sa Kampo Crame, sinabi ni PRO 3 Director at PNP Spokesperson Police Brig Gen Jean Fajardo, na lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na April 8 pa patay si Que at ang driver nito bago natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal kinabukasan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, talagang papatayin ng mga suspek si Que at ang driver nito kahit na nakapagbigay na sila ng halagang ₱200 milyong ransom sa pamamagitan ng ilang hulog sa cryptocurrency.

Sa tanong naman na kung bakit sa kabila ng patung-patong na kasong kidnapping ng isa sa suspek na si David Tan Liao ay nakalalaya pa rin ito at patuloy na nakakapag-kidnap ng mga Chinese national, sinabi ni Fajardo na isa sa mga posibleng dahilan ay umuurong ang mga complainant dahil sa takot sa kanilang buhay kaya nakukuhang makapagpiyansa si Liao.

Naniniwala naman ang hepe ng PRO 3 na malapit na nilang matukoy ang mga mastermind sa likod ng pagpatay kay Que at posibleng ngayong linggong ito ay masampahan na ang mga ito ng reklamong kidnap-for-ransom with homicide habang sisiguruhin naman ng mga awtoridad na matibay ang hawak nilang ebidensya laban sa mga suspek.

(TOTO NABAJA)

88

Related posts

Leave a Comment