BANGKAY ITINAPON SA GITNA NG KALSADA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung biktima ng salvage ang natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi.

Inilarawan ang biktima na isang lalaking tinatayang may edad na 30-40 anyos, may taas na 5″3″, payat ang pangangatawan at may mga tattoo sa ulo at buong katawan.

Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang natagpuan ng rumorundang mga barangay tanod ang duguang bangkay ng biktima sa San Marino Phase 5 sa NIA Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

May mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa .45 kalibreng baril at narekober ang mga basyo nito sa crime scene.

(SIGFRED ADSUARA)

52

Related posts

Leave a Comment