ORIENTAL MINDORO – Patay ang dalawang pulis makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kampo ng Regional Mobile Force Battalion sa bayan ng Naujan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina Patrolman Laudelino Samarita Lomio, 31-anyos, at Patrolman Ruzzel Jay Ferrer Fontarum, 30-anyos, pawang nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ni Police Cpl. Fernan Macuha, malakas ang ulan na may kasamang sunod-sunod na pagkidlat sa nasabing lugar dakong alas-10:30 hanggang alas-11:00 gabi.
Pagkatapos ng malakas ulan, nagpapatrolya si Patrolman John Cyril Hilario ngunit pagsapit nito sa parking area ay nakita nito ang dalawang kasamahan na nakahandusay.
Kaagad na isinugod ang mga biktima sa Mindoro Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival.
(TOTO NABAJA)
