2 PATAY, 7 SUGATAN SA VAN VS TRUCK

QUEZON – Dalawa ang patay habang pito ang sugatan matapos salpukin ng Elf truck ang isang Toyota Innova sa isang intersection sa Maharlika Highway sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa report ng Gumaca Police, sakay ang siyam na mga biktima sa Innova na bumaligtad matapos salpukin sa tagiliran ng Elf truck bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa dalawang namatay na si Romel Ramboyong Periabras na idineklarang dead on arrival sa ospital. Dead on arrival din ang isang hindi pa kilalang lalaking pasahero.

Sugatan naman ang driver ng Innova na si Rolando De Antonio Florano, 61; at ang mga pasaherong sina Rodolfo De Antonio Florano, 60; Adrian Marcal Matangod, 25; Danilo Dominic, 60, at ang 4-anyos na si Rochelle Stephanie Periabras.

Sugatan din ang hindi pa kilalang isang lalaki at isang babaeng pasahero rin ng Innova.

Posible umanong hindi napansin ng driver ng truck na si Michael Angelo Pandes Lazaro ang intersection kaya dumiretso ito hanggang sa mabangga ang van.

Arestado na ng Gumaca Police ang suspek habang nilalapatan ng lunas sa Gumaca District Hospital at RAKKK Hospital ang sugatang mga biktima. (NILOU DEL CARMEN)

137

Related posts

Leave a Comment