KATAGAY PINUKPOK NG BATO SA ULO

BATANGAS – Matinding pinsala sa ulo ang ikinamatay ng isang 28-anyos na caretaker makaraang bugbugin at pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang kainuman sa Brgy. Sulpoc, Tanauan City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng Tanauan City Police District sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktmang si Jerald Ebiya y Manlapaz, 28, tubong Malinta, Masbate habang ang kaibigang suspek naman ay si Benedicto Maranan y Ona.

Base sa iniyal na imbestigasyon, nag-inuman sina Ebiya at Maranan nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang kwentuhan.

Sinuntok ng suspek ang biktima at pinukpok ng malaking bato sa ulo ang huli.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. (CYRILL QUILO)

194

Related posts

Leave a Comment