2 PATAY SA KAMBAL NA AKSIDENTE SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae at isang motorcycle rider, habang kritikal ang dalawa katao sa magkasunod na vehicular accident sa Maharlika Highway sa bayan ng Atimonan, Linggo ng hapon.

Sa unang aksidente, namatay ang 16-anyos na si Coleen Lagdameo, matapos na ito at ang dalawa pa nitong kaanak na sina Dolce Lagdameo, 41, at Joel Bituin, 27, ay araruhin ng wing van truck na minamaneho ng 38-anyos na si Eric Timbal na patungo sa direksyon ng Maynila, habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay Tinandog dakong ala-1:00 ng hapon.

Dead on the spot si Coleen, habang dumanas ng mga grabeng sugat sina Dolce at Timbal matapos na makadkad pa ng truck.

Nangyari naman ang ikalawang aksidente sa Maharlika Highway, Barangay Tagbakin dakong alas 4:00 ng hapon, kung saan patay ang motorcycle rider na si Rommel Oriel, matapos masabitan ng kasalubong na double decker truck na minamaneho ni Gaspar Camedo, 43-anyos.

(NILOU DEL CARMEN)

353

Related posts

Leave a Comment