2 RAPE SUSPECTS NABITAG NG TROPA NI ESTOMO

ARESTADO ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang dalawang rape suspect sa magkahiwalay na lugar.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang mga suspek na sina Joshua Gabarda y Armando, truck helper, nadakip sa Sta. Elena, Camarines Norte; at Danilo Bagagñan, laborer, naaresto sa Brgy.  Sampaloc, Sariaya, Quezon.

Noong Lunes, Hunyo 28, dakong alas-8:35 ng umaga, ang PRO5 Sta. Elena MPS team, sa pangunguna ni P/Lt. Joy M. Aragon, ay nagsagawa ng intelligence operation para madakip ang suspek na si Gabarda sa kasong rape sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Michael E. Vito, presiding judge ng RTC Branch 172, 4th Judicial Region, Gumaca, Quezon, walang inirekomendang pyansa, na may petsang Hunyo 14, 2021.

Ang suspek ay sinasabing responsable sa panggagahasa kay alyas Nene sa nabanggit na bayan, at nakalista bilang top 1 most wanted person municipal level ng Gumaca.

Samantala, nitong Huwebes, Hulyo 1, nadakip naman ng mga tauhan ng PRO5 Donsol MPS, sa pamumuno ni P/Maj. Arwin D. Destacamento, si Bagagñan, top 1 MWP municipal level, makaraan ang ikinasang intelligence operation para sa kasong rape in relation to RA 7610 (child abuse).

Dakong alas-6:05 ng umaga nang madakip ng mga awtoridad ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Bernardo R. Jimenez Jr., acting presiding judge ng RTC Branch 51, 5th Judicial Region, Sorsogon City, Sorsogon, para sa kasong rape, walang inirekomendang pyansa, na may petsang Hunyo 4, 2019, at para sa alias warrant of arrest dahil din sa nabanggit na mga kaso.

Si Bagagñan ay suspek sa panggagahasa kay alyas Georgia, grade 5 student mula sa bayan ng Donsol, Sorsogon, noong Marso 2019.

Makaraan ang panggagahasa ay tatlong taong nagtago ang suspek hanggang sa madakip ng mga awtoridad sa Brgy. Sampaloc, Sariaya, Quezon. (JESSE KABEL)

151

Related posts

Leave a Comment