2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA BULACAN, TIMBOG

ARESTADO ang dalawang suspek na inuugnay sa pamamaril na ikinamatay ng isang police officer sa Guiguinto, Bulacan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 na nakarating sa Camp Crame, nahuli ang dalawang suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Bulakan at Obando.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang gunman ay isang dating pulis na sinibak sa pwesto.

Habang ang isang suspek ay pinaniniwalaang driver at kasabwat sa krimen.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office, Public Information Office chief, PMaj. Jaynalyn Udal, kabilang sa kanilang tinitingnan ay ang reelection na tatakbuhan ng biktima sa homeowners association.

Nakuha sa mga suspek ang baril, bala, magazine, isang granada at mga motorsiklo na pinaniwalaang ginamit sa krimen.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Guiguinto Municipal Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang kasong murder at frustrated homicide na isasampa sa kanila.

(TOTO NABAJA/ELOISA SILVERIO)

63

Related posts

Leave a Comment