KAPWA nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 5 at 11 ng Dangerous Drugs Act of 2002, ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel Fortuno y Gapayao, 31, ng #753 Int. 62, Raxabago St., Tondo, at Arvi Bautista y Valerio, 23, ng #2069 Dagupan Ext., Tondo.
Base sa ulat ni P/Lt. Joan Dorado, hepe ng SDET, na isinumite kay P/Lt. Col. Harry Lorenzo III, station commander ng MPD-Station 7, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa riles ng tren sa Dagupan Extension sa Tondo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek,
Nakumpiska sa mga suspek ang 16 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P108,800 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)
