2 TIMBOG SA P.3-M SHABU

DALAWANG hinihinalang tulak umano ng ilegal na droga ang nakumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Sabado sa Caloocan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Ben Bisnar alyas “Venzon,” 37, ng Libis Talisay, Brgy. 12, at Jeffrey Estallo alyas “Pilay,” 31, ng PNR Compound, Brgy. 73.

Nasakote ang dalawa sa basketball court sa Julian Felipe St., Brgy. 8, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang paiskorin ng P2,500 halaga ng shabu ang isang undercover cop.

Nasamsam sa dalawa ang sa 40 gramo ng umano’y shabu na may presyong P272,000 at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

165

Related posts

Leave a Comment