RIZAL – Arestado ang dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division sa ikinasang entrapment operation ng Antipolo City police kahapon kaugnay ng pamemeke umano ng mga ito ng resulta ng COVID-19.
Sa ulat mula sa tanggapan ni PLTCOL Jose Joey C. Arandia, Antipolo City Police chief, alas-10 ng umaga nang ikasa ang operasyon sa Sumulong Extension, Brgy. Dela Paz, sa naturang lungsod laban sa mga suspek na sina
Arnel Perocho y Capada, ng Brgy. Muzon, Taytay, Rizal at Edgardo Juanillo y Rapas, ng Sitio Pinagmisahan, Brgy Dela Paz, Antipolo City.
Nakuha sa mga suspek ang marked money na nagkakahalaga ng P3,400.00, mga pekeng resulta ng COVID-19 test at isang motorsiklo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery Extortion at Falsification of Documents. (KNOTS ALFORTE)
