ARESTADO ng mga operatiba ng Blumentritt Police Community Precinct ng Manila Police District- Sta. Cruz Police Station 3 ang dalawang lalaking sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo, sa inilatag na follow-up operation sa Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng MPD Station 3, bandang 8:00 ng umaga noong Sabado, nang biglang naglahong parang bula ang motorsiklo na pag-aari ng isang “Jonah” ng Barangay 347, Sta. Cruz.
Bunsod nito, nagkasa ng follow-up operation sina Police Major Emmark Dave Apostol, hepe ng Blumentritt PCP, at ang ilan nitong tauhan na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Francisco Bildan, 35, at Rodelson Cañaveral, 23-anyos.
Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10083 (Anti-Carnapping Act 2016).
(RENE CRISOSTOMO)
