2 TIRADOR NG SINAMPAY HULI SA CCTV

CAVITE – Arestado ang isang magkapatid nang napiktyuran sa close circuit television (CCTV) camera habang sinusungkit ang mga damit ng isang seaman sa sampayan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Nakakulong na sa Tanza Custodial Facility ang mga suspek na sina Fernando Tamayo y Castillo, at Niño Tamayo y Castillo, kapwa nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng biktimang si Fernando Trigo y Tadifa, 47, isang seaman, ng Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang biktima sa kanilang barangay nang madatnan na nawawala ang nilabhan niyang mga damit matapos nitong isampay sa harapan ng kanilang bahay.

Pinanood nito ang footage mula sa CCTV sa kanilang lugar kung saan nakita ang dalawa na tinangay ang mga damit mula sa sampayan ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

162

Related posts

Leave a Comment