2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang dalawang negosyante sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Biyernes.

Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, unang binaril ng hindi kilalang riding in tandem suspects ang biktimang si Joseph Selosa, 35-anyos, habang ito ay nagmamaneho ng kanyang kotseng Honda Civic  sa national highway sa Brgy. Alupay, Rosario, dakong alas-2:00 ng hapon.

Pauwi na ang biktima sa kanilang bahay sa bayan ng Padre Garcia nang sundan ito ng mga suspek at pagbabarilin sa kaliwang bahagi ng sasakyan.

Tinamaan ng bala sa  iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nalagutan ng hininga. Mabilis namang tumakas naman ang mga suspek.

Sa Batangas City, patay rin ang negosyanteng si Nicasio Ramirez, 48-anyos, nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa Barangay Sampaga, Batangas City dakong alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa Batangas City PNP, nasa hindi kalayuan sa kanilang bahay ang biktima at tinatahak ang barangay road sakay ng kanyang minamanehong e-bike  nang paulanan ito ng bala ng nag-aabang na suspek.

Isinugod ito sa Jesus of Nazareth Hospital subalit dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo at balikat.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

173

Related posts

Leave a Comment