2 tulak nakorner BILIHAN NG SHABU SA SEMENTERYO

RIZAL – Nahuli ang dalawang hinihinalang drug pusher sa sementeryo na ginagawa umanong bentahan ng ilegal na droga sa Sitio Pinagpala, sa bayan ng Angono sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Edrian Victoria y Quitlong alyas “Troy,” 32, at Marlon Delos Santos y Cariño, 34, pawang residente ng Sitio Pinagpala, Angono

Ayon sa ulat ng pulisya, isang concerned citizen ang nag-ulat na isang nagngangalang Troy at Marlon ang madalas nakikita sa sementeryo at dito ay kanilang ginagawa ang bentahan ng ilegal na droga.

Ayon kay P/Lt. Col. Noel Campos, Angono chief of police, agad nagsagawa ng buy-bust operation ang Angono Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek

Nakumpiska sa mga suspek ang isang sachet ng shabu na tinatayang P2,500 ang street value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

106

Related posts

Leave a Comment