2 VINTAGE BOMBS NATAGPUAN SA CAVITE SHOAL

CAVITE – Maingat na nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Cavite Station ang dalawang vintage bomb na natagpuan sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal sa lalawigang ito.

Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 ng umaga noong Miyerkoles.

Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar.

Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa nasabing bisinidad ng baybayin, sakay ng PCG vessel 271 at Metal Shark 1102 para nagsagawa ng  safety explosive handling procedure upang maiwasan ang pagsabog.

Nang makuha ang mga bomba ay dinala ito sa tamang lokasyon ng disposal sa Manila upang naiwasan ang ano mang panganib. (SIGFRED ADSUARA)

282

Related posts

Leave a Comment