INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkakadakip sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na lugar sa nasabing siyudad.
Kabilang sa naaresto ng mga awtoridad ang no.10 most wanted person ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa Quezon City.
Batay sa report ng PS-13, sa pamumuno ni PLt. Col. Roldante S. Sarmiento, kinilala ang suspek na si Amy Revaner, 46-anyos.
Siya ay inaresto dakong ika-4:10 ng hapon noong Hulyo 2, 2022 sa Upper St., Brgy. Payatas B, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong robbery.
Samantala, arestado rin ang no. 8 station level most wanted person ng Project 4 Police Station (PS-8) sa bisa ng warrant of arrest noong Linggo sa Quezon City.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Gilmore A. Wasin, hepe ng PS-8, kinilala ang suspek na si Danilo Fernandez alyas “Danny”, 46, naaresto dakong alas-3:21 ng hapon noong Hulyo 1, 2022, sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Si Fernandez ay may nakabinbing warrant of arrest para sa apat na bilang ng kasong paglabag ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploration and Discrimination Act. (JOEL O. AMONGO)
