20 KILO NG KUSH NATAGPUAN NG MGA MANGINGISDA SA KARAGATAN NG PALAWAN

PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad na baka ginagawang entry point ng mga kasapi ng international drug syndicate ang probinsya ng Palawan matapos na muling makadiskubre ng kilo-kilong kush o imported high grade marijuana sa karagatang sakop ng lalawigan.

Iniimbestigahan ngayon ang dalawang kaso ng recovery ng kush sa coastal water ng Palawan sa loob lamang ng isang linggo, kaya lumalakas ang hinala na ginagawang drug smuggling route ang kanilang karagatan.

Nabatid na kamakailan lamang ay tinanggap ng Philippine Navy-Western Naval Command ang isinurender na kahina-hinalang package na nakuha umano ng mga mangingisda sa karagatan ng Palawan.

Matapos na ituro ng fisherfolks ay agad tinungo ng Western Naval Command, kasama ang Palawan Police Provincial Office (PALPO) – Police Intelligence Unit, ang lugar para bantayan ang nasabing package at nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office for proper handling.

Pinangunahan ni PDEA IA III Christopher S. Torres ang pagtanggap ng suspicious package kaugnay sa gagawing processing of the evidence.

Tinatayang nasa 20 kilo ang bigat ng nakumpiskang narcotics na nakasilid sa blue-striped sack na naglalaman ilang large, vacuum-sealed plastic packs ng suspected kush.

“This recent discovery closely follows a similar recovery on September 30, 2025, where authorities from Western Naval Command in coordination with PDEA Palawan PO and Palawan Provincial Office (PALPO) also seized a significant quantity of kush under comparable circumstances worth P20,789,400.00,” ayon sa ulat na natanggap ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.

Dahil dito, inatasan ni USEC Nerez ang PDEA MIMAROPA na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy kung konektado ang dalawang insidente at kung magtuturo ito ng mas malaking padron ng maritime drug smuggling sa rehiyon.

“These recoveries underscore the importance of inter-agency coordination and community cooperation in combating illegal drug activities. PDEA remains committed to intensifying its operations and investigative efforts to ensure a drug-free MIMAROPA region,” ayon pa sa pamunuan ng ahensya.

(JESSE RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment