2 patay, residente ng 6 lalawigan pinalikas sa banta ng tsunami DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 7.4 OFFSHORE QUAKE

DALAWA katao na ang inisyal na iniulat na nasawi bunsod ng 7.4 offshore earthquake na tumama sa Davao Oriental dahilan para palikasin ang mga residente sa anim pang lalawigan.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Rafael Alejandro IV, sa isinumiteng ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 7.4 earthquake bandang alas-9:43 ng umaga nitong Biyernes sa eastern seaboard ng Pilipinas at naramdaman ang pagyanig hanggang Davao Oriental, eastern part ng Davao Oriental.

Ayon kay Alejandro, naganap ang lindol sa karagatan ng Manay, Davao Oriental, dahilan upang maglabas ng tsunami warning ang Phivolcs para sa Davao Oriental, Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

“It’s an offshore earthquake, 7.6 (ibinaba ng Phivolcs sa 7.4) po. Right now, as we speak a tsunami warning has been issued urging people in the coastal communities of the following provinces to immediately evacuate to higher grounds or move further inlands: Eastern Samar, Dinagat Island, Davao Oriental, Southern Leyte, Surigao del Norte, Leyte, at Surigao del Sur.”

“Right now, as we speak, a tsunami warning has been issued urging people in the coastal communities… to immediately evacuate to higher grounds or move further inland,” ani Alejandro. “As we speak, information from Phivolcs states that the first wave is expected between 9:43 up to 11:43 a.m. (kahapon).

Bandang ala-1:45 ay inalis na ng Phivolcs ang Tsunami warning subalit patuloy na nakaalerto ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga dalampasigan.

Ayon kay Phivolcs director, Dr. Teresito Bacolcol, hindi na bago ang fault na naging sanhi ng paglindol katunayan ay matagal na itong natukoy bilang potential source ng major seismic activity.

Nilinaw rin ni Bacolcol na ang pagyanig ay walang koneksyon sa mga naitalang paglindol sa Luzon, Visayas, at iba pang bahagi ng Mindanao.

Inilarawan na coincidental occurrences lamang ito sa Philippine archipelago’s active seismic zones.

May dalawang inulat na casualties sa Region 11 subalit kasaukuyang bina-validate pa ito ng OCD.

Sa Region 10 may naitalang minor structural cracks sa ilang pasilidad kabilang ang ilang paaralan sa Cagayan de Oro, sa Iligan City at Camiguin. May inulat din na may nangyaring landslides.

May isang patay sa Region 11 na nabagsakan umano ng debris.

May reported damages din sa Davao City, sa Ateneo de Davao at maging sa Mapua Malayan Colleges. May mga nakitang bitak din sa Francisco Bangoy International Airport, subalit nanatiling operational pa rin ang Paliparan. Walang cancelled flights sa Davao City.

“In general, actions stated by our regional offices, we have been continuously disseminating critical info to the different LGUs and communities, we are monitoring all actions and providing necessary assistance, public advisories are being issued and because of the instruction of President Ferdinand Marcos Jr., we are on full alert,” ani Alejandro.

Sinabi ng OCD na nakikipag-ugnayan ito sa regional disaster councils, lokal na pamahalaan, at uniformed services para sa mabilis na pagtugon at pagsubaybay.

Samantala, inactivate ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Deployable Response Group (DRG) sa mga apektadong rehiyon para sa posibleng search and rescue operations.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, tatlong Coast Guard Districts—Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Eastern Visayas—ang inilagay sa alerto.

“PCG personnel are now conducting coastal and sea monitoring, advised precautionary measures, and activated all Deployable Response Groups,” aniya.

Hinimok ng PCG ang publiko na manatiling kalmado, makinig lamang sa opisyal na abiso ng pamahalaan, at umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon.

(JESSE RUIZ)

105

Related posts

Leave a Comment