200 MAGSASAKA NAGPAPASAKLOLO KAY PRRD

IDINULOG sa media ng mga magsasaka at residenteng miyembro ng Sitio San Roque Farmers and Habitants Association ang panggigipit umano sa kanilang lugar at pangha-harass ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Pinugay, Baras, Rizal

Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng nasabing samahan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi makataong trato sa kanila ng Masungi Georeserve at mga tauhan nito na armado ng baril.

Sa ngayon, ayon sa mga residente, nakababalik sila sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng taguan system at pagdaan sa masukal na gubat dahil lahat ng daanan ay binakuran na ng Masungi Georeserve at may multa na P5,000 at kulong ang mga lalabag.

Sa ipinakitang mga dokumento na inilabas ng mga magsasaka na mga miyembro ng nabanggit na asosasyon, taong 2017 nang bigyan sila ng kwestiyonableng MOA ng Masungi Georeserve sa katauhan ng pamilya Dumaliang, sa 2,700 ektaryang lupa kung saan sakop ang mga nagrereklamo na dekada 70’s pa ay mga residente at nagsasaka na sa lugar.

Ito umano ay illegal at hindi dumaan sa tamang proseso dahil ang lupa na nabanggit ay ancestral domain.

Tuloy-tuloy pa rin ang pangha-harass sa kanila, maging sa indibidwal na mga residente na kanilang tinakot at binugbog kaya nagsampa na rin sila ng mga kaso sa korte. (KNOTS ALFORTE)

683

Related posts

Leave a Comment