NASA 200 pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arian makaraang tupukin ng apoy sa Caloocan City, Miyerkoles ng madaling araw.
Dakong alas dos ng madaling araw nang magising ang mga residente ng Kawal Purok 5, Barangay 28 dahil sa biglaang paglaki ng apoy na agad kumalat at tumupok sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.
Tumagal ng mahigit apat na oras ang sunog bago ganap na naapula.
Bagamat naging mabilis ang pagresponde ng mga bumbero ay nahirapan ang mga ito na pasukin ang nasabing lugar dulot ng maliliit na eskinita at mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang nasunugan sa himpilan ng Barangay 28 at sa isang covered basketball court sa lugar.
Patuloy namang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang awtoridad hinggil sa pinagmulan ng sunog. (MARDE INFANTE)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)