BILANG NG PINOY NA MAGINHAWA ANG BUHAY TUMAAS

ginhawa12

(NI MAC CABREROS) GUMANDA o umaliwalas ang buhay ng mga Pinoy,  iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, base sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), bumaba ng 21 porsyento ng poverty incidence noong 2018 kumpara sa 27.6 porsyento noong 2015. “Over the course of three years, we can see that poverty decreased substantially—down by 6.6 percentage points,” pahayag NEDA Undersecretary Adoracion Navarro. Binanggit nito na aabot sa 23.1 milyong Pinoy ang nagkaroon ng trabaho at nakalipas sa poverty threshold sa unang bahagdan o semester ng nakalipas…

Read More

REKLAMO SA ANTI-CYBER CRIME TUMAAS NG 100%

cyber12

(NI JG TUMBADO) INIULAT ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP), tumaas ng 100%  ang nagrereklamo laban sa anti-cybercrime kung saan ang ‘online libel’ ang pinakamaraming reklamong natanggap. Sa datos na nakalap, sa 4,103 bilang na mga kaso na iniimbestigahan ng PNP-ACG noong 2018, 1,041 dito ay online libel. Ito umano ang katulad ng pagmumura, paninirang puri na ginawa sa pamamagitan sa social media katulad ng Facebook at Twitter. Habang pumangalawa naman sa listahan ang online scam na 1, 012. Sakop naman nito ang panloloko sa mga indibidwal na…

Read More

PINOY NA P250-K KITA KADA TAON, LIBRE NA SA ITR

bir1

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang pumila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga Filipino na kumikita ng P250,000 kada taon o mas mababa dito para maghain ng kanilang Income Tax Return (ITR). Ito ang nilinaw ni House committee on banks and financial intermediaries chair Henry Ong, kaugnay ng obligasyon ng mga Filipino na maghain ng kanilang ITR taun-taon. Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, libre sa buwis ang mga Filipino na kumikita lamang ng P250,000 kada taon kaya hindi na kailangang maghain ang mga ito…

Read More

BATANGAS NAGTALA NG 45.5 CELSIUS HEAT INDEX

taginit12

(NI KIKO CUETO) PATULOY na nararamdaman ang init ng temperatura sa bansa bunsod na rin ng El Nino phenomenon. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng tumaas pa ang temperature dahil sa nararanasang tag-tuyot. Naitala ng ahensya ang pinakamataas na heat index sa Batangas nitong Linggo na umabot sa 45.5 degrees Celsius. Nairekord ito sa kanilang istasyon sa Ambulong, Batangas. Ito ang pinakamataas na heat index na naitala para sa araw na iyon. Paliwanag ng Pagasa, umabot sa 53.7 degrees Celsius ang heat index sa…

Read More

TOLL HIKE IPINATUPAD SA SCTEX, MCEX

sctex12

(NI MAC CABREROS) MATAPOS itaas ng NLEX (North Luzon Expressway) Corporation ang toll rate, magdaragdag naman ng singil sa  Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCeX). Ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board ang petisyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Ayala Corporation na nangangasiwa sa SCTEx at MCeX, ayon sa pagkakasunod. Ayon Alberto Suansing, tagapagsalita, natanggap na ng BCDA at Ayala Corp. ang resolusyon na nagtakda ng aprubadong rate. “The TRB resolutions approving MCeX and SCTEx petitions were received by them last week,” ayon Suansing. “However, they…

Read More

LIGTAS NA PAGLIKAS NG OFWs SA LIBYA PINATITIYAK

libya26

(NI NOEL ABUEL) PINATITIYAK sa Senado sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwing ligtas sa Pilipinas ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa gulong nangyayari sa Libya. Ayon kay Senador Sonny Angara, kailangan siguruhin ng mga ahensya ng pamahalaan na maibibigay ang lahat ng tulong sa mga ililikas na manggagawang Filipino sa naturang bansa. Kasabay nito umapela rin ang senador sa mga OFWs na sumunod sa utos ng mga opisyales ng DFA para masigurong walang mangyayaring aberya sa paglilikas sa mga ito. “We are appealing to…

Read More

BANGKAY NG OFW INIUWING WALANG MATA, LAMAN-LOOB

owwa saudi12

(NI DAVE MEDINA) NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kalunus-lunos na sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa Kingdom of Saudi Arabia. Nang iuwi sa bansa, wala ang mga mata, laman-loob at puro pasa ang katawan ni Lemuel Lansangan, 39, sa  kanilang bahay sa Brgy. Anolid, Mangaldan, Pangasinan noong Abril 3. Ito ay makaraan ang apat na buwan matapos siyang patayin ng hindi pa kilalang suspect sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Samantala, may mga pasa si Lansangan…

Read More

NFA ‘DI MABUBUWAG

nfa12

(Ni FRANCIS SORIANO) HINDI umano maaaring buwagin ang National Food Authority (NFA) pero posibleng mapalitan ang pangalan nito habang nangangamba naman mawalan ng trabaho ang aabot sa 400 empleyado nito na may kinalaman sa regulatory, licensing, registration at monitoring. Ayon kay NFA-OIC Administrator Tomas Escares, kahit na dumaraan sila ngayon sa restructuring sa tulong ng Governance Commission for GOCCs, tuloy pa rin umano ang serbisyong kanilang ibinibigay sa mga magsasaka. Aminado rin ang opisyal na marami sa kanilang mga empleyado ang maaapektuhan ng nakatakdang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law matapos…

Read More

MALAYSIAN KIDNAP VICTIM NAMATAY SA ZAMBO

zambo

NAMATAY na ang Malaysian kidnap victim na nailigtas sa kamay ng komunistang Abu Sayyaf, ayon sa military. Si Jari Bin Abdullah, nailigtas noong April 4 sa Simusa Island, Sulu, ay namatay sa Zamboanga City noong Martes, ayon sa Western Mindanao Command. Sinabi sa report na sa kasagsagan ng putukan sa pagitan ng Abu Sayyaf at militar ay tinangkang tumakas ni Abdullah ngunit nakita siya ng isang miyembro ng Abu Sayyaf kaya’t binaril ito. Namatay si Abdullah sa harap ng kanyang pamilya, Malaysian Consul General at mga opisyal ng International Monitoring…

Read More