PLANONG PAG-ALIS NG PROV’L BUS STATION SA EDSA HINARANG  

busterminal12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKIALAM na ang Mababang Kapulungan sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang mga provincial bus station sa kahabaan ng Edsa sa paniwalang hindi naman umano nakakasabal sa trapiko. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pahirap lamang umano sa mga taga- Bicol region at Northern Luzon ang plano ng MMDA na alisin sa Edsa ang mga bus stations kaya muli niya itong hinaharang. “Provincial buses ferrying passengers and their cargos from Albay and the rest of the Bicol Region as well as those from…

Read More

PALPAK NA SISTEMA SA PITX AAYUSIN NG DOTr

tugadepitx12

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY JACOB REYES) AMINADO si Department of  Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na palpak ang  Paranaque Integated Terminal Exchange ( PITX) dahil sa hindi maayos na ruta ng mga bus operator at bus driver na bumibiyahe mula Cavite hanggang  Parañaque. Ginawa ni  Tugade ang pahayag sa inilunsad ng  The Presser Weekend Media forum ng Presidential Communication Operations Office (PCOO)  sa Muntinlupa City kung saan layunin uamno ng pagpatayo ng PITX ay upang mabawasan ang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mapagaan ang biyahe ng mga…

Read More

KONTRATA SA GOBYERNO IPINAREREPASO NG PANGULO

duterte cabinet12

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na magsisilbing babala sa mga pasaway na investors ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang mga kontratang una nang pinasok ng gobyerno. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na nangangahulugan ito na hindi dapat lumagpas sa itinatakda ng batas ang anumang kasunduang ilalatag ng mga negosyante sa pagitan ng gobyerno. Sinabing dapat na tingnan ito ng lahat at isipin na habang si Duterte ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay hindi nito hahayaan ang sinuman na makapanloko o maisantabi…

Read More

MERALCO MAY ROTATIONAL BROWNOUT NA NAMAN

meralco1

(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na muli silang magpapatupad ng rotational brownout sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, dahil na rin sa panibagong serye ng maintenance works. Batay sa paabiso ng Meralco,  sinimulan ang maintenance works at rotational brownout nitong Lunes, Abril 8, at magtatagal hanggang sa Abril 14, Linggo. Kabilang umano sa mga lugar na apektado ng rotational brownout ay ang Quiapo, Sampaloc at Sta. Cruz sa Maynila; Baclaran sa Parañaque City; Loyola Heights sa Quezon City; at Canumay West, Arkong Bato…

Read More

PASAHERO SA NAIA DAGSA NA  

naia123

(NI DAVE MEDINA) DINAGSA na ng pasahero ang Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) nitong Lunes sa pagsisimula ng paghahanda ng mga taga-probinsya sa paggunita ng Mahal na Araw bagaman sa Lunes ng susunod na linggo pa magsisimula ang opisyal na Semana Santa. Alas 4:00 ng umaga ay naging mabigat na ang volume ng mga sasakyan  sa departure area dahil maagang nagsidatingan  ang mga pasahero sa airport bilang pagtalima na rin sa payo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na agahan ng tatlo hanggang apat na  oras…

Read More

SIMULA NG COUNTDOWN:  SIBAKAN TIME MULI SA GOBYERNO

duterte212

(NI BETH JULIAN) ASAHAN na anumang oras o araw, ilang opisyal ng gobyerno ang inaasahang sisibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ibinunyag sa talumpati ng Pangulo noong Sabado sa Iloilo kasabay ng pag-amin na dismayado siya sa patuloy na korapsyon sa gobyerno. “Every table in government… it’s greed and there’s always a monkey wrench. Every table ‘yan kung magdaan corruption. Kaya ako pagbalik ko tomorrow, I’ll be firing a lot of people simply for corruption,” wika ni  Duterte. Ayon sa Pangulo, nangyayari ang korapsyon sa pag-aayos ng…

Read More

PANTAPAT SA SPARROW UNIT NG NPA GUSTONG BUUIN NI DU30

(NI BETH JULIAN) DAPAT pag aralan nang todo ng  Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang art of assassination. Ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa layuning matapatan ng pamahalaan ang Sparrow unit ng New People’s Army (NPA). “Hindi dapat magpadehado ang pamahalaan sa rebeldeng grupo. Kung mayroong Sparrow unit ang NPA, dapat mayroon ding Sparrow unit ang pamahalaan,” pahayag ni Duterte. Gusto ng Pangulo na kung ano ang gagawin ng Sparrow unit ng NPA sa pamahalaan ay dapat ganun din ang iganti ng…

Read More

STRAT COMM TRAINING FACILITY ITATAYO SA BUKIDNON

martinandanar12

(NI BETH JULIAN) KASADO na ang pagtatayo ng strategic communications training facility sa Manolo Fortich sa Bukidnon. Layon nito na papaganda pa ang sektor ng komunikasyon sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang nasabing pasilidad na pinondohan ng Department of Finance (DoF) ay  magsisilbing training facility information office sa buong Pilipinas. Sinabi ni Andanar na ang training center na itatayo ay mayroong community radio station, community TV station at social media newsroom. Kayang i-accommodate ng dalawang classroom at dormitory ang nasa  60 katao. Mula…

Read More

TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG ABRIL

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES) MULI na namang magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Abril. Batay sa abiso ng Meralco, nabatid na aabot ng P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang madaragdag sa April bill ng mga consumers. Katumbas ito ng P12.60 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan at P18.90 para sa mga consumers na nakakagamit ng 300 kwh. Nasa P25.20 naman ang madadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga tahanang nakakagamit ng 400 kwh at P31.50 naman sa mga…

Read More