(NI BETH JULIAN)
ASAHAN na anumang oras o araw, ilang opisyal ng gobyerno ang inaasahang sisibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinunyag sa talumpati ng Pangulo noong Sabado sa Iloilo kasabay ng pag-amin na dismayado siya sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.
“Every table in government… it’s greed and there’s always a monkey wrench. Every table ‘yan kung magdaan corruption. Kaya ako pagbalik ko tomorrow, I’ll be firing a lot of people simply for corruption,” wika ni Duterte.
Ayon sa Pangulo, nangyayari ang korapsyon sa pag-aayos ng mga dokunemto, lisensya at permit.
Gayunman, hindi pa pinangalanan ng Pangulo ang mga sisibaking opisyal pero iginiit nito na mapag-iiwanan ang Pilipinas ng mga kapitbahay na bansa sakaling hindi mahinto ang korapsyon.
292