PROBLEMA SA KURYENTE SA MIMAROPA IPINASISILIP SA DoE

napocor12

(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA ang isang mambabatas hinggil sa patuloy na paglaki ng subsidy ng National Power Corporation (Napocor) sa mga independent power producers (IPPs) sa Mimaropa region na tiyak na ipapasa umano sa mga consumers. Dahil dito, kinalampag ni Bayan  Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang Department of Energy (DoE) at maging ang Commission on Audit (CoA) na silipin ang patuloy na paglaki ng tinatawag na missionary subsidy sa nasabing rehiyon matapos lumobo ito sa P5.75 Billion noong 2017 mula sa P2.21 Billion noong 2017. “This is a disturbing…

Read More

DOBLE PLAKA POSIBLENG PALITAN NG GPS, STICKER

rider123

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ipatutupad ang “doble plaka” law, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na palitan na lamang ito ng GPS o global positioning system at sticker para sa identification ng mga motorsiklo. Kasabay nito, sinabi ni House assistant majority leader Bernadeth Herrera-Dy na kailangang magkaroon ng joint resolution ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para pagtibayin ang pagpapasuspinde ni Duterte sa Republic Act 11235 o doble plaka law. Ayon sa mambabtas, mahalaga ang nasabing batas para makontrol ang krimen na kagagawan ng…

Read More

OIL PRICE HIKE MULI IKINADISMAYA SA KAMARA 

oil1

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang isang mambabatas sa panibagong oil price increase na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas sa Martes, dahil hindi pa nakababawi ang mga consumers lalo na ang transport sector sa kakarampot na rollback noong nakaraang liggo ay agad na binawi ito. Dahil dito, muling iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na kailangan nang bawiin ang deregulation law at maging ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (Train) Law. Sa Martes, ay muling magpapatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis kung…

Read More

RELASYON NG DU30 ADMIN SA CHINA PINAREREBYU

pagasa island

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAREREBYU ng opposition congressman sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ipinatutupad na relasyon sa China sa gitna ng banta ng nasabing bansa sa Pag-asa Island. Bukod dito, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na dapat nang palayasin ni Duterte ang mga Chinese vessel na nakapaligid sa Pag-asa Island na isang munisipalidad ng lalawigan ng Palawan. “Call for the immediate exit of the Chinese vessels from Philippine waters, and review our foreign relations policy with China,” ani Villarin dahil hindi umano gawain ng isang kaibigan…

Read More

2 MAPAGKALINGA CENTER ITATAYO NG PCSO SA MINDANAO

pcso12

(NI NICK ECHEVARRIA) MAGTATAYO ng dalawang Mapagkalinga Center ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Tagum City at Davao City bilang solusyon sa kaawa-awang kalagayan ng mga pasyente  sa mga government hospitals. Layunin ng hakbang na wakasan ang paghihirap ng mga pasyente at mga bantay nito na natutulog sa mga upuan at sahig gamit ang mga sapin na karton at ang problema maging sa paliguan. Ayon kay PCSO chairman at acting General Manager Anselmo Simeon Pinili, malaking tulong ito sa 650 mga walk-in na pasyente na araw-araw na nagtutungo sa…

Read More

BABABA MATAPOS ANG TERMINO: PAGOD NA KO – DU30

duterte123

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na bababa siya matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022. “Hindi ako magtatagal bilang Presidente. Ito na ang aking ikatlong taon. Malapit nang matapos,” sabi ng Pangulo sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines annual national convention sa Iloilo City. “Hindi ako sigurado kung buhay pa ko sa loob ng tatlong taon pero kung pahihintulutan ng Diyos, tinitiyak ko sa lahat na bababa ako sa pagtatapos ng aking termino,” dagdag pa nito. Inamin ng Pangulo na ‘pagod’ na siya sa…

Read More

‘DOBLE PLAKA’ LAW SUSUSPENDIHIN NI DU30

RIDERS12

SUSUSPENDIHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-uutos sa mas malaking license plate sa harap at likod ng mga motorsiklo. Nilagdaan noong nakaraang buwan ng Pangulo ang Motorcyle Crime Prevention Act na iniakda ni Senador Richard Gordon na naglalayong maiwasan ang krimen sa pagkakaroon ng malaking plaka para mas madaling mabasa sa malayo. Gayunman, libong motorcycle riders ang kumontra sa batas sa pangambang makasagabal ito sa pagmamaneho o posibleng matanggal kapag mabilis ang takbo ng motorsiklo. Sinabi ng Pangulo na makikipagpulong siya kay Gordon at sa Land Transportation Office…

Read More

PALASYO DUMIPENSA KAY ALBAYALDE

albayalde121

(Ni FRANCIS SORIANO) DINEPENSAHAN ng Palasyo si Philippine National Police chief General Oscar Albayalde matapos ang sunud-sunod na panawagan ng mga militanteng grupo kaugnay sa madugong police operations sa lalawigan Negros Oriental na ikinamatay ng 14 magsasaka na umano’y mga miyembro New People’s Army (NPA). Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong walang koneksyon o basehan ang panawagan ng mga militanteng grupo para pababain sa puwesto si Albayalde dahil legitimate police operations ito at ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin. “As the PNP explained, this is not a…

Read More

AUSTRALIA MAY $85-M AYUDA SA ‘PINAS

phl12

(Ni FRANCIS SORIANO) TUMATAGINTING na $ 85 million ang ipinamahagi ng  Australian government bilang development assistance sa Pilipinas. Ayon sa pahayag ni Australian Ambassador Steven Robinson, ang malaking bahagi ng naturang development aid ay napunta sa bahagi ng Mindanao para sa development ng Mindanao at sa pagsulong sa implementation ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Maliban umano rito ay patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang assistance sa edukasyon para sa mga  scholarship ng Filipino youth na sa kasalukuyan ay mayroong 60 Filipino students na nag-aaral sa Australia para sa kanilang masteral,…

Read More