LALAKING GUMAGAMIT NG ‘SEX DRUGS’ BINALAAN NG FDA

sex drugs

(NI JESSE KABEL) NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kalalakihan na mahilig magpatigas gamit ang mga sexual enhancement drugs. Naglabas ng babala ang FDA hinggil sa  paggamit at pagbebenta ng mga hindi rehistradong sexual enhancement drugs na umano’y napatunayan nang naging sanhi ng ilang kamatayan sa hanay ng mga kalalakihan. Binigay na halimbawa ng FDA ang mga produktong gawa ng China gaya ng Toro, Impeous Man, Chinese Viagra, Maximum Sexual King pills na ayon sa FDA ay walang certificate of product registration. Ayon kay FDA Director General…

Read More

PAG-IWAS SA POWER INTERRUPTION IDINUDULOG SA ‘ENERGY FAMILY’

DEPARTMENT OF ENERGY

(NI ROSE G. PULGAR) PATULOY ang koordinasyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga power industry players upang tugunan ang pagtaas ng demand at pagkaubos ng reserbang enerhiya para sa buwan ng summer. “The entire energy family should take a pro-active approach towards securing our power supply, especially since it is both summer and election season,” saad ni Sec. Cusi. Ayon sa napagkasunduan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Independent Electricity Market Operator of the Philippines, Manila Electric Company (Meralco), at ng DOE, kailangan umanong patuloy na obserbahan…

Read More

KASO NG TIGDAS BUMABA NA

tigdas12

(NI DAHLIA S. ANIN) SA pinakabagong tala ng Department of Health (DoH), humupa na umano ang kaso ng tigdas sa buong bansa. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ilang rehiyon sa bansa na bumaba na ang bilang ng apektado ng tigdas at mayroon ding wala nang bagong kasong naitala ngunit hindi umano ibig sabihin ay wala na ang outbreak. Nauna nang inihayag ng DoH na nakuha na nila ang target na 3.8 milyong bata na may edad na anim na buwan hanggang 59 buwan na mabakunahan bago matapos…

Read More

MAYOR SARA KUMBINSIDONG TARGET NG VIDEO SA ANOMALYA

saraduterte12

(NI CHRISTIAN DALE) KUMBINSIDO si Davao City Mayor Sara Duterte na siya ang tunay na puntirya ng mga videos na nag-aakusa sa mga miyembro ng pamilya Duterte sa mga iligal na gawain. Hindi aniya ang tatay niyang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang target ng videos dahil Pangulo na ito at ang paraan lamang para matanggal ito sa pwesto ay sa pamamagitan ng impeachment. Bukod pa sa, ang mga taong inuugnay sa mga anomalya sa mga videos ay may koneksyon sa kanya. Mapapansin sa unang episode ng videos na pinamagatang…

Read More

ICC HINDI PATAS SA WAR ON DRUGS – PALASYO

icc12

(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Malacanang na hindi patas ang International Criminal Court (ICC) dahil sa patuloy na preliminary examination sa war on drugs ng administrasyong Duterte na inihain ng National Union of People’s Lawyers (NUPL). Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, dahil dito, ipinakikita lamang ng ICC na sadyang pinanghihimasukan nito ang soberenya ng bansa kahit pa alam nilang nilalabag nila ang Rome Statute na siyang bumuo sa kanila. Hinamon ni Panelo ang mga kritiko ng administrasyon na isampa sa lokal na korte ang kanilang mga reklamo upang…

Read More

PINAKAMALAKING BULTO NG DROGA NAITALA SA 1ST QTR NG 2019

drugs12

(NI NICK ECHEVARRIA) NAKAPAGTALA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng pinakamalaking bulto ng mga nasamsam na  methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu sa unang quarter ng 2019 sa buong kasaysayan nito. Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, umaabot sa 776.06 kilo ng  shabu ang nakumpiska sa   unang quarter ng 2019 na nagkakahalaga ng P5.27 bilyon at nalagpasan pa nito  ang mga nahuling shabu  sa pinagsamang ulat na naitala sa mga unang quarter ng taong 2009 hanggang 2018 na umabot lamang sa 672.42 kilos na…

Read More

LAMANG-DAGAT, TUBIG, HANGIN MAY MICROPLASTICS – EXPERTS

mircoplastics12

(NI MAC CABREROS) NAGTATAGLAY ng ‘lason’ ang mga lamang dagat gaya ng isda gayundin sa tubig at hangin, ayon sa mga eksperto. Sa Marine Plastic Pollution conference na itinaguyod ng World Bank at Embahada ng Norway sa Pilipinas nitong Abril 4, kinumpirma ng mga dalubhasang mananaliksik na may microplastics ang mga isda gayundin ang tubig at hangin. Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao kapag nakain, nainom at nalanghap ang microplastics. Tinaya ng mga dalubhasa na tone-toneladang plastic ang itinatapon sa karagatan kada taon kung…

Read More

DOLLAR RESERVE NG PINAS LUMOBO

dolyar12

(NI MAC CABREROS) NAGSALANSAN ng dolyar ang bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Naitala ang pinakamataas na gross international reserves (GIR) sa loob ng 36-buwan bunsod ng malaking bulto ng perang pumasok sa bansa. Sa ulat ng BSP, nakalikom ng $83.198 bilyon ang GIR sa katapusan ng Marso na mas mataas sa $82.78 bilyon noong Pebrero. “This is the highest for the GIR since it registered at $83.736 billion in April 2016,” ayon BSP governor Benjamin Diokno. Binanggit Diokno na lumobo ang dollar reserve ng bansa…

Read More

DoH NAGBABALA KONTRA HEAT STROKE

heat stroke12

(NI DAHLIA ANIN) SA pagpapatuloy na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, nagbabala sa publiko ang Department of Health (DoH) laban sa heatstroke. Sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque III, pinapayuhan niya ang publiko na umiwas muna sa mga aktibidad na gagawin sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw dahil maari itong magresulta sa heat exhaustion at pagkatapos ay heat stroke. Ang pag-inom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan upang makaiwas dito. Dagdag pa niya, iwasan muna ang paglabas at paggawa ng mga ehersisyo mula alas-10:00 ng umaga…

Read More