PULIS, SUNDALO NA ‘GOONS’ NG POLITIKO BINALAAN NI DU30

PNP100

(NI BETH JULIAN) MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mananagot sa kanya ang mahuhuli nitong sumusuporta at nagsisilbing ‘goons’ sa mga tumatakbong kandidato ngayong May 2019 elections. Kaya nanan pinayuhan ng  Pangulo ang mga sundalo at pulis na manatiling neutral o nasa gitna at huwag papanig kaninuman sa mga tumatakbong kandidato. Binigyan-diin ng Pangulo na hindi trabaho ng mga sundalo at pulis na magsilbing ‘alalay o goons’ ng mga politiko dahil ang trabaho…

Read More

DUTERTE KAY ORETA: ARESTO O 1 BUWAN LINIS-DROGA SA MALABON?

duterte lenlen12

(NI BETH JULIAN) TINANINGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III ng hanggang isang buwan para resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa Malabon City. Kasabay nito ay binalaan ng Pangulo si Oreta na aarestuhin ito kapag nabigong ayusin ang illegal drug problem sa kanyang nasasakupan. “Mayor linisin mo ang Malabon mo, bigyan kita ng isang buwan. Sabihin ko kay Cong. Ricky Sandoval, sorry na lang ha pahuli ko mayor niyo. Itapon na lang sa Manila Bay,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa…

Read More

SUPPLY NG KURYENTE SA LUZON KINAKAPOS

luzongrid12

(NI JEDI PIA REYES) DALAWANG araw na magkasunod mula ng pumasok ang buwan ang Abril nang makaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes. Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants. Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Department…

Read More

PARKING FEE

FOR THE FLAG

Nararapat na imbestigahan ang kalakaran ng parking fee sa Ombudsman. Kapag sinabing parking fee sa Ombudsman hindi po nangangahulugan na paradahan ng mga sasakyan, kundi ang ipinaparada ay mga kaso laban sa mga korap na opisyal ng pamahalaan. Kung ang binabayarang karaniwan para sa parking ng sasakyan ay P100 kada tatlong oras, e milyun-milyong piso naman ang parking fee sa Ombudsman upang iparada ang isang kaso. Bakit kailangang iparada ang kaso? Ipinaparada ang kaso, ibig sabihin ay patatagalin ito hanggang ma-dismiss na ito at maabswelto na ang isang korap na…

Read More

NARCO-PROSECUTORS AT JUDGES HUHUBARAN NA NG MASKARA

PRO HAC VICE

Walang puwang sa Department of Justice (DOJ) ang sinumang piskal na mapapatunayang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga. Matindi ang banta ni Secretary of Justice Menardo Guevarra sa sinumang mapatunayang public prosecutor na sabit sa ilegal na droga, dahil hindi lamang sibak sa serbisyo kundi may kakaharapin ding kasong kriminal ang mga ito. Kinausap na rin ni Secretary Guevarra ang Philippine Drug Enforcement Agency na bigyan ang DOJ ng listahan ng sinasabing 10 piskal na diumano’y sangkot sa ile­gal na droga. Paliwanag ni Sec. Guevarra na mula sa nasabing…

Read More

PUMANAW NA ANG INA NG STAR FOR ALL SEASONS

(NI RONALD M. RAFER) NAG-POST si Luis Manzano kamakalawa sa kanyang Facebook account ng: “RIP Mama Ganda.” Ang kanyang tinutukoy ay ang pagyao ng kanyang lola na si Mrs. Milagros Tuazon Santos o Mama Santos sa mga nakakakilala sa kanya sa showbiz. Siya ang beloved mother ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Ang alam lang namin na sakit ni Mama Santos ay Alzheimer’s disease at alagang-alaga ito ni Ate Vi at kanyang mga kapatid. May special nurse pa nga ito na nakabantay sa kanya. Siyempre pa, sobrang lungkot ang Star for All…

Read More

PILIPINAS IPIT NA IPIT SA AWAY NG KANO AT INTSIK

USAPANG KABUHAYAN

Matagal na nating alam na ang Amerika at ang Tsina ay nasa gitna ng isang matinding kompetisyon kung sino sa kanila ang magiging lider ng mundo lalo na sa Asya. Nagsimula ang kompetisyon noon pa lang isang imperyo ang Tsina at papaangat ang Amerika bilang may pinakamalakas na pwersa-militar sa mundo at sentro ng makabagong teknolohiya at siyensya. Isang bayan para gawing demokratiko at Kristiyano ang Tsina para sa mga Amerikano noong isang imperyo pa ang Tsina. Nang maging malapit sa Amerika ang Tsina noong panahon ni Deng Xiaoping, walang…

Read More

FACT-FINDING TEAM VS NARCO JUDGES BINUO NG SC

supreme court12

(Ni FRANCIS SORIANO) PORMAL nang inatasan ngayon ng Supreme Court (SC) ang en banc upang makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makakuha ng pangalan ng umano’y mga nasa narco-judges na sangkot sa iligal na droga. Ayon sa pahayag ni Associate Justice Diosdado Peralta, ang hakbang na ito ang magbibigay-daan sa isasagawang fact finding at administrative investigation ng Korte Suprema laban sa 13 narco-judges at binigyan-diin ng SC na hindi nila kukunsintihin ang iligal at corrupt activities sa kanilang hanay. Ito’y matapos na isapubliko ang matrix  ni Pangulong Rodrigo…

Read More

PALASYO: REHAB CENTERS BUKAS SA MGA ARTISTA

film12

(NI BETH JULIAN) BUKAS ang mga rehabilitation centers para sa mga artistang sangkot sa ilegal na droga na nais talikuran ang masamang bisyo. Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo at sinabing handang tulungan ng Malacanang ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga na lalapit sa kanila. Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang pag-aresto ang konsepto ng giyera kontra droga ng gobyerno kungdi ang tulungan din ang mga biktima para makapag bagong buhay. Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi maipapangangako ni Panelo na mananatiling…

Read More