MT. APO TRAIL SA DAVAO ISINARA

mt apo12

(NI BONG PAULO) TULUYAN nang isinara sa mga hikers ang trail sa Davao area para sa pag-akyat sa Mt. Apo. Simula nitong Lunes, April 1 ay pansamantalang sarado ang Mt. Apo para sa mga hikers. Layon nito na maiwasan ang mga posibleng forest fires na magaganap sa taas ng bundok dala ng matinding init ng El Niño. Napag-alaman na nagpalabas ng temporary closure order ang Protected Area Management Board (PAMB) noong March 28 para ipasara ang Sta Cruz Davao del Sur trails na nakasasakop sa Sta. Cruz, Bansalan at Digos.…

Read More

HOT TOPIC SA SOCMED: JULIA MONTES NANGANAK NA

juliamontes12

(NI LOURDES C. FABIAN) ISA sa pinakamainit na usap-usapan ngayon sa social media ay ang diumano’y panganganak daw ng aktres na si Julia Montes. Hindi naman matukoy kung saan nila nakuha ang chika pero pati gender ng baby ni Julia na babae raw ay alam nila at dinalaw pa raw ito ni Coco Martin na matagal ng nababalitang ama raw ng ipinagbubuntis ni Julia sa Germany. Muling naungkat ang matagal ng isyung relasyon nina Coco at Julia dahil sa post ng entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa dalawa.…

Read More

LALAKI ARESTADO SA NASABAT NA 757 LIVE TARANTULA

TARA12

(NI FROILAN MORELLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Central Mail Exchange Center (CMEC) ang P310,900 halaga ng 757 piraso ng live tarantula mula sa Poland  na kinokonsiderang endangered species. Ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng Customs, ang 757 piraso ng live tarantulas ay idineklara bilang mga ‘collector items’, at nadiskubre ng mga taga Customs ang maliliit o smaller tarantulas ay itinago sa loob ng plastic tubes, habang ang malalaki ay nakalagay sa loob ng  plastic film. Sinabi sa…

Read More

EBIDENSYA SA P74-B ‘PINAKIALAMAN’ NG SENADO INILANTAD

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD) ISINAPUBLIKO na ng liderato ng Kamara ang mga dokumento na magpapatunay na umaabot sa P74 Billion ang halaga na pinakialaman ng mga senador sa 2019 national budget subalit ayaw nilang idetalye kung saan nila ito dinala. Ang hakbang ay ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya matapos tawagin  ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “delusional” o “kahibangan” ang inilantad ng Kamara na pondong pinakialaman ng mga senador. Inilabas ni Andaya ang 22-pahinang dokumento upang ipakitang hindi gawa-gawa ang paratang ng Kamara. Kabilang na rito…

Read More

ABUEL ITINALAGANG DBM ACTING SECRETARY

abuel121

NI BETH JULIAN PORMAL nang itinalaga bilang acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM) si Janet Abuel. Sa ginanap na Cabinet meeting Lunes ng gabi sa Malacanang, inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary sa DBM si Abuel simula April 1 base sa appointment na inilabas nito. Unang itinalaga bilang officer-in-charge sa DBM noong March 5 si Abuel matapos na italaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas governor si Benjamin Diokno. Nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa…

Read More

MALING MEMO SA CUSTOMS GINAGAMIT SA SMUGGLING

KOREA BASURA12

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAREREBYU ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs memo na posibleng nagagamit ng mga smugglers sa droga at iba pang kontrabando. Iminungkahi ito ni Iligan City Rep Frederick Siao kay Commissiner Rey Guerero matapos matuklasan sa kanilang imbestigasyon ang sistema sa pagpasok sa bansa ng mga basurang iniangkat mula sa South Korea. Sinabi ni Siao na dahil umano sa kaluwagan ng Customs ay nakapapasok sa bansa at posible pang kasabwat ang ilang tiwaling empleyado ng Customs sa iregularidad…

Read More

CELLPHONE SA ORAS NG TRABAHO IPAGBABAWAL SA GOV’T EMPLOYEES

celphone using12

(NI KIKO CUETO) POSIBLENG ipagbawal na sa mga government frontline employees ang paggamit ng cellphones, ayon kay Civil Service Commissioner Aileen Lizada. Sinabi ni Lizada na isusumite nya ang kanyang panukala na nagbabawal sa mga government employees na gumamit ng cellphones sa oras ng trabaho. “There is still no policy regarding the use of cellphones by frontliners unless the national government agencies has an internal policy,” sinabi ni Lizada. “After my regional visits, I might come up with a suggestion to the Commission,” dagdag nito. Pinaalalahanan ni Lizada ang lahat…

Read More

METRO NAKAALERTO SA ISIS

albayalde

(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T  wala pang nakikitang direktang senyales na maghahasik ng kaguluhan at karahasan sa Metro Manila, matamang na binabantayan ng awtoridad ang galaw ng ISIS. Bunsod ito ng pagkaaresto ng dalawang magkapatid na sinasabing tagasuporta ng nabanggit na teroristang grupo sa Baggao, Cagayan. Sa gitna nito, inihayag ni PNP chief Oscar Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko. Hawak ang search warrant, hinalughog ng awtoridad ang bahay nina Altero at Greg Cariaga kung saan nakita ang mga armas at bala gayundin ang bandera na katulad sa ISIS na…

Read More

BETERANO MAY 7-ARAW LIBRENG-SAKAY SA LRT-2

VETERANS

(NI KEVIN COLLANTES) MAY magandang balita ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga beterano. Ito’y dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa loob ng isang linggo. Batay sa inilabas na advisory ng LRTA, nabatid na ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga beterano at pakikiisa sa paggunita sa Philippine Veterans Week. Unlimited ang libreng sakay dahil maaari itong i-avail ng mga beterano at isang personal companion nito, mula ng 4:30 ng madaling araw o sa pag-uumpisa pa lang ng…

Read More